Thursday, August 9, 2007

Gundam Madness!


Gundams! It seems as if a few people around work have been bitten by the Gundam bug! Me and my buddies just drool over some of the newer Gundams out there, and it would have been fine were they priced cheaply. Gundams here don't come cheap. Feeling ko may inlay ng gold ang inner parts ng mga Gundams kaya medyo mahal ang presyo.

Kita mu naman sa mga ibang recent posts dito na mas dumadami mga entries regarding Gundams. Masaya lang talaga mag buo ng Gundam, tapos ninyo pinturahan at i-ink ang mga panel lines nito. Nakakatuwa makita na ang pinaghirapan mo ay unti unti nabubuo at ika nga nga the fruits of your labor begins to take form.

Mahal lang talaga ang bisyo na eto, When I started, medyo mahal na din siya. At ang pinaka murang kit (FG kits ng Gundam Seed at the time) panget ang ikinalabasan. Mautak din ang Bandai, papakita nila panay sa kahon ng Gundam ay ang finished and FULLY PAINTED AND DETAILED product. Pero the noob modeler ndi alam eto. Magugulat ka na lang na pag bukas mo ng kahon nila 2 lang ang kulay ng parts, where sa finished product parang 10 kulay ang meron sa Gundam. Pero, pag sumubok ka mag pintura at mag panel, di mo naman kabisado mga special techniques para mapadali ang pag buo mo. Ilan sa mga poor examples at first attmepts at building Gundams ay:

MUMMY GUNDAM - Pag hindi mo alam na ang pag pintura mas madali habang nakakabit lahat ng parte sa sprue or some call it a tree, or runner (yung plastic kung saan nakakabit pa lahat ng parts) tapos sinubukan mo I - tape ang mga parte ng nabuo na Gundam para mahiwalay kulay. Eto ang kalalabasan... Isang Gundam na nakabalot ng tape at makalat at kawawa tignan. Parang mummy...

UGAT-UGAT GUNDAM - Gundam na nag karoon ng viracose veins dahil sa sa mali n pag panel. Lagpas lagpas ang mga linya at hindi mo alam na pwede pala gamitan ng eraser ang Gundam marker.



How not to ink a Gundam...


So nag iipon ang gastos along with experience. Pag nag uumpisa ka, iisipin mo okay naman na walang pintura at panel lines. Pero tapos mo makita at ikumpara ang pinagkaiba ng na pintura na Gundam at pag sila ay simple lang na tinapos, malaki ang pagkakaiba. So bili ng kit na Gundam (1500 - 3000+ depende sa kit) bili ng pang panel lines (Gundam markers run at about 135) bili ka ng pintura (230 per color, which comes in a small paint can), magandang pang gupit ng plastic (250 - 400) grand total... Ubos ang sweldo! Parang credit card commercial... Gundam - 3000 Pesos, Paint - 230 Pesos each, Gundam markers - 135 Pesos, Modeling clipper - 400 Pesos. The fun of building a Gundam... Priceless

Pahiram ng credit card...

May bagong gusto project sana kami, medyo mahal lang ulit. Pero ang ganda talaga!

Nakuha ko lang sa Yahoo imagae... Pero sana kami na lang gumawa... Eto BTW ang 1/100 scale MG ng SD Strike Noir!

Mag iipon na lang ulit... At the bright side 2 kulay lang kelangan nito, black at grey... Mahal pa din 0_o


No comments: