Wednesday, August 1, 2007

Stoplight Of Despair...



Pagbigyan ang minsan lang mag sulat sa tagalog (walang kanchawan!)

Kakainis talaga ang stoplight na ito! Eto ang stoplight sa intersection ng Gil Puyat at Makati Avenue, at grabe siya! Mag umpisa muna tayo sa simula, galing akong Paranaque, at medyo may kalayuan siya sa Makati dahil sa trapik na madadaanan mo sa pagitan ng pag byahe at pagdating sa paroroonan. Kaya nga at nag hahanap kami ng mga kasama namin ng apartment sa Makati para ang papunta at pauwi ay hindi na masyadong problema.

Maski na ganito ang situasyon ko, ay minsan may mga araw na talagang mabilis ang daloy ng trapiko. Sobrang bilis na wala pang 30 minutes ay nasa Makati na ako. Minsan pa nga ay suma total 40 minutes lang ang aking byahe mulang bahay hanggang trabaho...

Ano ang reklamo ko kamo?... Eto...

Sa 40 minutes na byahe na yan 20 minutes lang ang ibyabyahe ko at ang natirang 20 minutes ay magagastos sa pag hihintay sa isang stoplight sa kanto ng building na pinapapasukan ko. Alam ko na mas mabilis pa nga maglakad na lang ako kaysa maghintay pa ako ng siyam siyam para lang umandar ang mga kotse sa harapan namin. Pero minsan talaga ay manggigigil ka talaga sa inis.

Ang stoplight pag normal ang operasyon ay nag sasakto ng pag palit ng ilaw para hindi masyadong madami ang sasakyan na naiipon sa isang bahagi ng kalye. Ngunit ang stoplight na ito (na feeling ko kampon ng demonyo) ay magiging green lang pa pasok ng building namin ng mga 5 segundo lang! Oo, oras lang para makalusot ang isang sasakyan, na hirap pa makapasok buhat ng naipon na bara sa kabilang kalye. Mga ka opisina ko sa building alam na ganito talaga ang stoplight na yan at na kaluluwa ang kapalit nito upang maging green siya. Pero nagiingat ako sa akin, kasi iisa lang eto, at kelangan ko pa.

Gumawa ako... Este ang aso ko ng isang illustration (pagod na yung aso ko na si Bruce at nahirapan na siya gumamit ng mouse kaya pagbigyan nyo na kung parang grade 1 ang nag drawing, pag gising yun e kaya nya i adobe photoshop eto 0_o) na nagbabahagi kung anu nga ba talaga ang nanyayari sa intersection na ito.




Kita naman na ang kampon ng kadiliman ay nag babara ng u-turn papunta sa building kung san ako nag trarabaho. Hindi din maka u-turn ang kotse sa unahan namin dahil sobrang puno na ang kalye sa kabilang side.

Sumuko na ako, at tinatanggap ko na lang na talagang nilagay ang stoplight na yan dyan para:

- Cheap and effective morning exercise routing ni GMA sa publiko.
- Para ma asar mga tao at kumain ng madaming pagkain sa galit. (kayat madaming kainan dun)
- Magsayang ng gasolina para umasenso ang Pinas (switch to coco diesel!)
- Para maka tulog pa ng konti ang mga tao na bumabyahe patungo sa trabaho.
- Para asarin ako.



Demonium Ex Machina! (der is a demon inside the stoplight!)

2 comments:

Eckoy said...

Wowoweewaw!!Wata illustration!! Pinaghirapan mo siguro yan!!

Anyway, Buendia daan ng jeep na sinasakyan ko, kaya di ko nakakadaupang palad ang stoplight na yan.

pero ok lang yan, may naghahatid naman sayo eh! Lolx!Kaya di masyadong hassle maghintay sa passenger seat!Bwahahaha!

SiMo said...

Huhuhu... ganun p dn yun! Stoplayt of terror pa din. At sa susunod adobe photoshop na gagamitin ko dyan! Antok na ako nung ginawa ko yan. lolx